ANG SOBRA, NASASAYANG.

Na in love ka na? Naranasan mo na yung napamahal ka sa isang tao na di mo inaasahan? Namapahal ka sa di inaasahang dahilan. Napamahal ka sa di inaasahang panahon. Yung pagmamahal na akala mo hindi mo mararanasan, na hindi mo mabibigay at di mo matatanggap. Yung minsan hinihiling mo na sana wag na matapos.

Ganun tayo diba. Pag masaya tayo, ayaw na natin matapos. Kasi masaya tayo. Masaya tayo pag inaalagaan tayo ng ayos, tinuturing na prinsesa, minamahal, pinapatawa. Mas nahuhulog loob natin. Mas ayaw natin bumitaw.  Minsan pa nga mapag uusapan nyo yung future e. May mga plano na kayo. Ganun kasi kayo ka open sa isa-t isa. Ganun nyo kagustong magsama. Mahal na mahal nyo isa’t-isa eh.

May mga bagay na nagpapa tatag sa inyo. Hindi kumpleto araw nyo pag di kayo nakapag usap. Pag di kayo nakapag kita. Masaya kayo pag pareho nyo napapasaya yung isa’t isa at malungkot kayo pag may isa sa inyo ang may problema. Hindi lang kayo magka relasyon, mag bestfriends din kayo. Mag aasaran kayo at maglalambingan. Magtatawanan at magkukulitan. Pag nag aaway kayo, hindi kayo natutulog nang hindi nagkaka ayos.

Pero hindi laging ganun e. Hindi laging masaya. Minsan may mga bagay ka na di mo mabigay, may mga panahong di ka nakakatupad sa usapan dahil sa di inaasahang dahilan at dun lalabas yung hindi pagkaka intindihan. Ewan ko pero minsan sunod sunod. Napapadalas na away. Yung feeling na minsan iniintindi mo nalang at ikaw nalang yung nagpapa kumbaba para matapos lang. Yung ikaw pa din yung susuyo kahit wala ka namang kasalanan. Yung kahit sabihin mo sa sarili mo na di mo na muna sya pagbibigyan, nagagawa mo pa din kahit may paulit ulit syang kasalanan. Masakit din. Kasi minsan akala nila na mababago ng isang ‘Sorry’ ang nararamdaman mo. Minsan sila pa nagagalit. Na parang wala kang karapatan magtampo kasi walang susuyo sayo. Parang di ka pwede magalit kasi magagalit din sya. So sinong talo? Ikaw pa din diba. Sa sobrang pagmamahal mo sakanya, di mo na naiisip yung sarili mo. Na importante ka din pala. At bakit ganun yung iba satin? Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman mo, hindi mo magawang bumitaw?

Isa lang ang sagot eh. Kasi mahal mo. Mahal na mahal mo. Pero mali. Kasi sobra. Mali kasi sa kanya mo pinaikot mundo mo. Mali kasi masyado kang nagtiwala. Mali kasi masyado kang umasa. Mali kasi mas inuuna mo sya kesa sa sarili mo at sa nararamdaman mo. Dumarating yung point na di mo na alam kung saan ka lulugar. Ang hirap at ang sakit. Pero kelangan mo maging matatag para sa sarili mo at para sa mga natira sa buhay mo. Isa lang yan eh.

Dahil sa naramdaman mong sakit at hirap, ngayon natututo ka na. Mas mabibigyan mo na ng halaga yung mga taong nakapaligid sayo. Mas mabibigyan mo ng oras. Mas makakapag focus sa pag aaral, mas makakasama pamilya. At higit sa lahat, mas mapapahalagahan mo yung sarili mo. Wag lang kakalimutang magpatawad para sa ikaka gaan ng loob mo.

At sa susunod, wag magbigay ng sobra. Kasi lahat ng umaapaw, nasasayang.

(recovered post from old site: http://twentythreediaries.tumblr.com/post/73281913283/ang-sobra-nasasayang)

Leave a comment